Mga Impormasyon (FAQ) para sa Web page ng pagbawi ng batirya
Tanong 1. Aling mga modelo ng ThinkPad notebook PC ang apektado ng pagbawi?
Ang mga tagapagtangkilik na bumili ng ThinkPad o opsyonal na pamalit na batirya sa loob ng Pebrero 2005 hanggang Setyembre 2006 ay maaaring mayroong batiryang Sony na napapailalim sa pagbawi.
Tanong 2. Paano ko malalaman kung ang aking batirya ay binabawi?
Magpunta sa www.lenovo.com/batteryprogram upang malaman kung ang inyong batiryang Sony ay apektado ng pagbawi. Kung
pipiliin ninyong tumawag sa Sentro ng Serbisyo, may magagamit ding pandaigdig
na listahan ng numero ng telepono sa Web site na ito.
Tanong 3. Kung nabawi ang aking batirya, magkano ang magiging kapalit?
Pinapalitan ng Lenovo ang mga batirya ng libre. Kung ibabalik ninyo ang inyong batirya, ang inyong kapalit na batirya ay sisiguruhin ng isang taon.
Tanong 4. Kailangan ko bang ibalik ang aking batiryang may sira?
Oo. Magpapadala ang Lenovo ng bayad nang kahon na mapagpapadalhan ng binawi. Upang maseguro ang kapakanan ng tagapagtangkilik, mahalagang ang lahat ng mga pakete ng batiryang binawi ay ibalik.
Tanong 5. Kung binabawi ang aking batirya, gaano katagal ko itong hihintayin?
Sa simula ng proseso kapag ang pangangailangan ay pinakamatindi, maaaring umabot ng 3 hanggang 4 na linggo upang matanggap ang bagong batirya.
Tanong 6. Kung nabawi ang aking batirya, maaari ko bang ipagpatuloy ang paggamit ng aking sistema habang hinihintay ang aking pamalit na batirya?
Kung binawi ang inyong batirya, upang patuloy na magamit ang inyong ThinkPad
notebook PC ng ligtas sa peligro,
1) patayin ang inyong sistema, 2) tanggalin ang batirya, at 3) paandarin
ang sistema sa pamamagitan ng adaptor ng kuryente. Ang mga direksyon sa
pagtanggal ng batirya ay makikita sa www.lenovo.com/batteryprogram.
Ang kaligtasan ng tinatawag na mga batiryang “gray market” ay hindi nalalaman. Iminumungkahi namin sa aming mga tagapagtangkilik na gamitin lamang ang mga batiryang galing sa Lenovo o mga autorisadong mga tagapagbenta ng aming mga produkto.
Tanong 7. Ligtas ba ang paggamit ng ThinkPad sa eroplano?
Iiiwan namin ang mga paksa ng kaligtasang pang eroplano sa mga eroplano. Kung ang inyong batirya ay apektado ng aming mga pagbawi, kung kayo man ay nasa eroplano o hindi, nirerekomenda ng Levono na paandarin ninyo ang inyong ThinkPad notebook PC sa pamamagitan ng kuryente.
Tanong 8. Kapareho ba ito ng mga batiryang binawi ng Dell at Apple?
Hindi. Ang mga pakete ng batirya, na madalas tinatawag na “mga batirya,” ay naglalaman ng mga selula ng batirya, at bagama’t ginagamit din namin ang ilan sa mga selula na ginagamit din ng aming mga kakumpitensiya, ang teknolohiya ng disenyo at paggawa ng mas malaking pakete ng batirya ay bukod-tangi sa aming mga sistema.