Piliin ang mas gusto mong wika mula sa talaan sa ibaba:

Chinese - Simplified Tagalog / Filipino Korean
Chinese - Traditional French Malaysian
Danish Hebrew Portuguese
German Hindi Swedish
Spanish Italian Thai
Finnish Japanese    

Mahal na Kostumer ng Lenovo,

Ang Lenovo ay kasalukuyang nag-aalay ng mga walang bayad na bateriyang pamalit dahil sa dalawang di-magkaugnay na pagpapabalik. Pindutin mo dito para alamin kung pinababalik ang iyong bateriya. Para sa kapakanan ng pampublikong kaligtasan, mag-aalay ang Lenovo sa mga kostumer ng walang bayad na bateriyang pamalit sa mga bateriyang pinababalik.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa dalawang bateriyang pinababalik, pati na ang mga madalas itanong (frequently asked questions – FAQs), at ang mga sistema at part number (numero ng bahagi) na naapektuhan, pindutin ang nasa ibaba.

Expand or Collapse this section Detalye ng mga pinababalik na bateriya noong Marso 1, 2007
 
Expand or Collapse this section Detalye ng pinababalik na bateriya noong Setyembre 28, 2006
 
Humihingi ng paumanhin ang Lenovo sa anumang pagkaabala na sanhi ng mga isyung ito. Ang pagpapadala ng mga produktong may kalidad ay siyang laging pangunahing inaalala.
divider_355x1.gif

Maaari mong malaman kung kasali ang iyong bateriya sa alinman sa pagpapabalik na ito sa pamamagitan ng paggamit sa aming awtomatik na solusyon (Option 1) o sa pamamagitan ng manwal na pagsulat ng bar code number ng iyong bateriya  (Option 2).

Bawat opsiyon ay magpapahintulot sa iyo na mag-order sa online ng pamalit na bateriya o tumawag sa iyong lokal na Sentro ng Pangsuporta sa Kostumer.

Option 1: Gumamit ng aming awtomatik na solusyon
Para gamitin ang aming awtomatik na solusyon kailangang ikaw ay nasa pahinang ito na gumagamit ng ThinkPad notebook PC. Kung ang iyong bateriya ay kasali sa alin man sa dalawang pagpapabalik, ang mga opsiyon sa pamalit na bateriya ay lilitaw.

Pindutin mo ang link sa ibaba para mabuksan ang awtomatik na solusyon. O kaya, pindutin ang  mga espesyal na tagubilin,  kung mas gusto mo ng bawat hakbang na tagubilin.

Determine if your battery is being recalled Alamin kung ang iyong bateriya ay pinababalik

Puna:
Kapag pinaandar mo uli ang awtomatik na solusyon, lilitaw ang isang Lenovo Battery Program - InstallShield Wizard.
Option 2: Isulat mo nang manwal ang numero ng bahagi ng iyong bateriya
Para gamitin ang pamamaraang ito, kailangang hanapin mo ang tiyak na bar code number na nasa likod ng iyong bateriya. (Tingnan ang nakalarawan sa ibaba.) Kung ang iyong bateriya ay kasali sa alinmang pagpapabalik, lilitaw ang mga opsiyon tungkol sa pamalit na bateriya.
Battery bar code number 

Para mo makita ang bar code number ng bateriya, kailangang tanggalin mo ang bateriya.

Mga tagubilin sa pagtanggal at pag-instala ng bateriya
ThinkPad R51e, and R52 systems
ThinkPad R60 and R60e systems
ThinkPad T43, and T43p systems
ThinkPad T60 systems
ThinkPad X60 and X60s systems
ThinkPad Z60m systems
ThinkPad Z61e, Z61m, and Z61p systems


Matapos mong makita ang bar code number ng bateriya, isulat mo ito sa Battery bar code number box sa ibaba.  Lilitaw ang mga opsiyon tungkol sa pamalit na bateriya.
Puna: Huwag mong gagamitin ang mga letrang  I, O, at Q sa bar code number. 

Battery bar code:
 

Kung ang iyong bateriya ay pinababalik, patuloy mong gamitin nang ligtas ang ThinkPad notebook PC:
  1. Isara ang sistema.
  2. Tanggalin ang bateriya.
  3. Gumamit ng AC adapter para paandarin ang iyong sistema
Kung kailangan mo ng higit pang tulong, tumawag sa iyong local na Sentro ng Pangsuporta sa Kostumer.


Mga espesyal na tagubilin para sa paggamit ng awtomatik na solusyon
  1. -print ang pahinang ito para masundan mo ang mga tagubiling ito habang tumatakbo ang awtomatik na solusyon.
  2. Matapos mong i-print ang mga tagubilin, buksan mo ang awtomatik na solusyon.
  3. Lilitaw ang isang File Download: Security Warning box Piliin mo ang Run. (Kung mas gusto mong piliin ang Save, kailangang tandaan mo kung saan nalagay ang file, at pindutin mo iyon nang dalawang mabilis na pindot para mabuksan ito.) Isang progress window ang lilitaw, na nagpapakita ng progreso ng file download.
  4. Kapag natapos na ang pag-download, may dialog window na magtatanong “(Gusto mo bang patakbuhin ang file na ito?)” Piliin mo ang Run.
  5. Lilitaw ang isang InstallShield Wizard window. Pindutin mo ang Install para mainstala ang awtomatik na solusyon. Ang iyong default browser ay magbubukas at magpapakita ng pahina na nagsasabi kung ikaw ay apektado o hindi.
  6. Isang pantapos na InstallShield window ang lilitaw. Pindutin mo ang Finish para tapusin ang pag-instala.

Magtitipon ang awtomatik na solusyon ng impormasyon na kailangan para malaman kung ang iyong bateriya ay apektado ng pagpapabalik. Kapag natapos na ang gawaing ito, lilitaw ang iyong default browser. Ang pahinang llitaw ay magsasabi sa iyo kung ang iyong bateriya ay kailangang palitan o hindi. Kung kailangan, lilitaw ang mga opsiyon tungkol sa pamalit na bateriya.

Expand or Collapse this section mga tagubilin sa pagtanggal ng pagka-instala ng awtomatik na solusyon