Q1. Aling modelo ng ThinkPad notebook PC ang naapektuhan ng pagpapabalik na ito? A. Ang pagpapabalik ay nakaaapekto sa mga modelong nakalista sa ibaba. Ang mga kostumer na bumili ng mga sistemang ito o ng opsiyonal o pamalit na bateriya para sa mga sistemang ito sa pagitan ng Nobyembre 2005 at Pebrero 2007 ay maaaring may bateriya na kasali sa mga pinababalik na ito.
Q2. Paano ko malalaman kung pinababalik ang aking bateriya?
A. Pumunta sa www.lenovo.com/batteryprogram
para malaman kung ang iyong bateriya ay apektado ng pagpapabalik. Kung mas gusto
mong tumawag sa isang Service Centre, may makukuhang pambuong mundong listahan ng
telepono sa www.lenovo.com/thinkpad/wwphonelist.
Q3. Bakit kayo nagpapabalik? A. May limang insidente na tumawag sa aming pansin. Pangunahin para sa amin ang kaligtasan ng publiko at nagpasiya kami na angkop sa kasong ito ang pagpapabalik.
Q4. Kung pinababalik ang aking bateriya, magkano ang halaga ng pamalit? A. Papalitan ng Lenovo nang walang bayad ang mga bateriyang pinababalik. Kung isasauli mo ang iyong pinababalik na bateriya, ang pamalit na bateriya ay darating mula sa Lenovo na may kasamang isang taon na garantiyang limitado.
Q5. Kailangan ko bang ibalik ang aking bateriya na may sira? A. Oo. Padadalhan ka ng Lenovo ng sisidlan sa pagpapadala na bayad na para mapadali ang pagbabalik. Para matiyak ang kaligtasan ng kostumer, mahalagang-mahalaga na maibalik ang lahat ng pinababalik na mga pakete ng bateriya.
Q6. Kung pinababalik ang aking bateriya, gaano katagal akong maghihintay sa pamalit? A. Sa simula ng prosesong ito na kung saan ang pangangailangan ay malaki, maaaring abutin ng 4 na linggo bago ka makatanggap ng bagong bateriya.
Q7. Ligtas ba na magpatuloy sa paggamit sa sistema ng pinababalik na bateriya
hanggang sa pagdating ng pamalit na bateriya?
A. Kung pinababalik ang iyong bateriya, upang patuloy na magamit nang ligtas ang
iyong ThinkPad notebook PC:
Q8. Ligtas bang gumamit ng bateriya sa aking sistema na mula sa iba? A. Walang nakaaalam sa kaligtasan ng mga bateriya na mula sa tinatawag na “di-malinaw na bilihan”, at may mga insidenteng nagsasangkot sa ganitong uri ng bateriya. Hinihimok namin ang mga kostumer na gumamit lamang ng bateriyang mula sa Lenovo, o kaya ay mula sa mga may awtoridad na tagapagtindang muli, ng aming produkto.
Q9. May kaugnayan ba ito sa pagpapabalik ng mga bateriyang Sony? A. Wala. Walang kaugnayan ang dalawang pagpapabalik na ito.